World Slasher

25 entries sasyapol sa WSC 2 grand finals

132 Views

DAlAWAMPU’T limang entries ang nakatakdang magkipagbakbakan ngayong araw para sa 4-cock grand finals ng ikalawang edisyon ng 2024 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Nasa 51 sultada mula sa mga nangungunang entries ang nakatakdang magbakbakan para sa mga kalahok na nakakuha ng 5, 4.5, and 4 puntos mula elimination at semi-final rounds simula alas singko ngayong hapon.

Sasagupa sa 4-cock grand finals sina Jimmy Junsay, Tony Kho/Tata Rey, Jaime Lim, Raymond Dela Cruz, Joemarie Bantillo/Nico Rodelas/Rey Arenas, Dicky Lim/Darryl and Andrew Lim, Jessie Viceo, Dante Eslabon/Matt Hachuella, Nestor Mercado/Lito Orillaza, James Rabano/Boy Jimenez, Patrick Antonio/Bebot Uy, Conrad Siochi, at Oscar Joson.

Makikipagbakbakan din sa grand finals sina sabong legend Biboy Enriquez, Bulldog, Pulong Duterte/JD, Aries Alvarez/Jun Durano, Felix Trebol, Mike Romulo/Owen Medina, JJC/Carrie Chua,

Balong/RSF, Frank Berin/JLA, at Presly De Jesus makaraang makapagtala ng impresibong iskor sa pagtatapos ng semi-final round.

Sa mga nais na masaksihan ang Olympics ng Cockfighting nang live sa Smart Araneta Coliseum ay maaari silang bumili ng ticket sa Ticketnet o di kaya sa www.worldslashercup. ph AA