BBM Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. namahagi ng titulo ng lupa at Certificates of Condonation with Release Mortgage sa mga magsasaka sa Pampanga

2K magsasaka pinalaya sa P206M utang ni PBBM

Chona Yu Nov 21, 2024
60 Views

BBM1BBM2AABOT sa 2,000 agrarian reform beneficiaries ang nabigyan ng titulo ng lupa sa Bacolor, Pampanga.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos, sinabi nitong nasa 30 Certificates of Land Ownership Award (CLOA) ang iginawad sa ARBs.

Namahagi rin si Pangulong Marcos ng 2,939 na 2,939 Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) sa mga magsasaka na may itang sa gobyerno.

Nakalaya aniya ang mga magsasaka sa P206 milyon na utang.

“Kasama na rito ang amortisasyon, ang interes, at iba pang mga surcharge na nakaangkla sa inyong mga lupang sakahan sa loob ng napakahabang panahon. Simula ngayon, pinapawalang-bisa na po natin ang inyong utang sa lupang ipinagkaloob sa inyo sa ilalim ng repormang agraryo,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Isa pa ito sa talaga na ating mga layunin. Isang hakbang ito upang pagtibayin pa ang sektor ng agrikultura at matulungan na maiangat ang antas ng pamumuhay ng ating mga magsasaka,” dagdag ng Pangulo.

Bilang suporta sa mga magsasaka, sinabi ni Pangulong Marcos na bigyan ng kwalidad na seedling ang mga magsasaka.

“Nagpulong kami kahapon ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno kasama ang pribadong sektor. Dito nagmungkahi ng mga hakbang na paramihin pa ang ating mga seedling nursery sa buong bansa para mapa-igting pa natin ang pagtatanim ng mga gulay at bigas,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Lumutang aniya ang naturang proposal nang magkipagpulong si Pangulong Marcos sa Private Sector Advisory Council (PSAC).

Target nito na gamitin ang mga natiwangwang na lupa nap ag-aari ng State Universities and Colleges (SUCs) na gamitin sa seedling production.

Sa pinakahuling talaan ng Department of Agrarian Reform noong Nobyembre 17, nasa 41,675 COCROMs habang nasa 160,516 CLOAs na ang naibigay sa mga magsasaka.

“Nawa’y magsilbing inspirasyon din ang aming handog ngayong araw para sa panibagong yugto sa inyong mga buhay, kung saan hindi lamang kayo at ang inyong pamilya ang aasenso—maging ang buong bansa ay kasama ninyo sa inyong tagumpay,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Ito po ang aking panawagan: Magkaisa tayo sa pagtatanim ng mga binhi ng pag-asa para sa Bagong Pilipinas.”