Yedda

3 bagong center binuksan ng Tingog sa Laguna

Mar Rodriguez Nov 14, 2024
56 Views

BINUKSAN ng Tingog Partylist, na pinamumunuan nina Rep. Yedda Romualdez at Rep. Jude Acidre ang tatlong bagong center nito sa Laguna.

Sa pakikipagtulungan kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, umakyat na sa 148 ang kabuuang bilang ng mga Tingog Center sa bansa kaya mas marami ng nangangailangan ang matutulungan nito.

Sa bayan ng Pangil, nabuksan ang bagong Center sa tulong ni Mayor Vince Soriano. Sa tulong ng Center ay mailalapit sa mga residente ng bayan ang serbisyo ng gobyerno. Agad na binigyan ng tulong pinansyal ang may 500 residente sa lugar.

Binuksan din ang Tingog Center sa Pagsanjan sa tulong ni Mayor Cesar Areza kung saan 500 residente ang agad na nakatanggap ng financial assistance.

Sa Bay ay nabuksan naman ang Tingog Center sa tulong ni Mayor Jose Padrid. Matapos ang inagurasyon ay 500 residente ang binigyan ng tulong pinansyal dito.

Gaya ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. layunin ng mga Tingog Center na mailapit sa publiko ang serbisyong ibinibigay ng gobyerno.