SUV Source: FB post

3 patay sa pamamaril sa Bulacan

Bernard Galang Mar 22, 2025
15 Views

TATLO ang namatay dahil sa pamamaril ng mga nakatakas at hindi nakilalang mga suspek noong Biyernes sa Brgy. Capihan, San Rafael, Bulacan.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fernando, kinilala ang tatlong biktima na sina Bryan Villaflor, 33; Jayvee Mariano at ang kasintahan ni Villaflor.

Sakay ang tatlo ng Ford Everest nang habulin ng itim na SUV at saka pinaputukan ang mga pasahero ng Everest.

Tumama sa windshield hanggang sa likurang bahagi ng sasakyan ng mga biktima ang mga bala.

Si Bryan, ang driver, at si Mariano na nakaupo sa front passenger seat direktang tinamaan kaya patay agad ang dalawa habang ang babae namatay sa ospital.

Ayon sa rumespondeng mga pulis, 25 ang narekober na basyo ng bala sa crime scene.