Tarlac

3,527 magsasaka sa Tarlac binura P124M utang ni PBBM

Chona Yu Sep 30, 2024
50 Views

NAKAHINGA na ng maluwag ang may 3,527 na magsasaka sa Tarlac.

Ito ay dahil sa binura na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang may P124 milyong utang ng mga magsasaka sa gobyerno.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pamamahagi ng 4,663 Certificates of Condonation and Release of Mortgage sa mga agrarian reform beneficiaries sa Paniqui, Tarlac,

Burado ang unpaid principal amortizations, interest at surcharges ng mga ARBs sa agricultural lands na iginawad sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program dahil sa nilagdaang Republic Act 11953 or the New Agrarian Emancipation Act (NAEA) ni Pangulong Marcos noong Hulyo ng nakaraang taon.

“Inaalis na ng gobyerno ang malaking pasanin na dala ng mga utang na naging kakambal ng inyong mga lupang sakahan. Ang inyong mga amortisasyon, interes, at surcharge, lahat po burado na,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na ilang dekada nang pasan ng mga magsasaka ang utang.

Pinayuhan ni Pangulong Marcos ang mga magsasaka na samantalahin ang oportunidad at pagyamanin ang mga lupang sinasaka.

“Kaakibat ng mga biyayang ito ay ang responsibilidad na pagyamanin pa ang ating mga lupa hindi lamang sa ikauunlad ninyo kung hindi para sa buong Pilipinas, pahayag ni Pangulong Marcos.

“Hindi dito po magtatapos ang ating mga pagsubok. Ngunit ang araw na ito ay magsisilbi sanang paala na ang pamahalaan ay handang tumulong sa inyo, dagdag ng Pangulo.