Calendar

4 drug suspek arestado sa Pampanga
APAT na pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga ang naaresto noong Huwebes sa buy-bust sa Pampanga at nasamsaman ng halos P380,000 na halaga ng shabu, ayon sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director P/Brig. Gen. Jean Fajardo.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Jhaosu, 39; Vito, 40; Joyce, 40; at Nato, 60.
Naglunsad ng buy-bust ang mga pulis sa Abacan Bridge, Riverside Interior, Brgy. Ninoy Aquino, Angeles City para kay alyas Jhaosu na naaresto at nakuhanan ng P374,000 na halaga ng droga.
Nahuli naman ng mga miyembro ng Porac police mobile patrol ang tatlo pang suspek habang nagpo-pot session sa sementeryo sa Brgy. Manibaug Libutad, Porac, Pampanga.
Nakuha sa tatlo ang 1.2 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P8,160 at mga drug paraphernalia.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang lahat ng suspek.