Calendar
Metro
6 nasawi sa 20 minutong sunog
Edd Reyes
Nov 4, 2022
301
Views
TUMAGAL lamang ng 20 minuto ang sunog sa isang bahay sa Navotas noong Biyernes, Nobyembre 4, subalit anim ang nasawi rito.
Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga nasawi na sina Donsito Boiser, 41, misis nitong si Reynosa Muscoso, 41-taong gulang, at mga anak na sina Raymond, 10-anyos, Arriana Boiser, 3-taong gulang at Reinna Boiser, 2-anyos, at ang pamangkin na si Natalia Boiser, 14-anyos.
Alas-5:21 ng umaga ng magsimula ang sunog sa bahay ng mga biktima sa Dalag st. kanto ng Tanigue st., Brgy. NBBS, Dagat-Dagatan, Navotas City.
Agad na nakaresponde ang mga bumbero at naapula ang apoy alas-5:44 ng umaga.
Nakulong umano ang mga biktima sa bahay at pinaniniwalaan na nasawi sanhi ng usok.
Kotse ng photojournalist pinasabog sa harap ng bahay
Feb 22, 2025
Kelot na suspek sa panghahalay nasilo sa Rizal
Feb 22, 2025
Mayor Honey inisa-isa proyekto sa Manila
Feb 22, 2025