Ridon: Paglalakwatsa ni VP Sara ‘di na bago
Aug 4, 2026
Calendar
Metro
Mananaya sa Taytay nanalo ng P21M lotto jackpot
Peoples Taliba Editor
Nov 5, 2022
629
Views
ISANG mananaya sa Taytay, Rizal ang nanalo ng P21.4 milyong jackpot prize sa bola ng Mega Lotto 6/45 na binola Biyernes ng gabi, Nobyembre 4.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 16-13-02-19-11-07.
Nanalo naman ng tig-P32,000 ang 55 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas. Tig-1,000 naman ang 2,678 mananaya na nakaapat na numero at tig-P30 naman ang 34,828 mananaya na nakatatlong numero.
Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para ipapalit ang kanilang tiket.
Ang premyo na mahigit P10,000 ang halaga ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.
Nakaw na motor itinulak, nagtutulak tiklo
Aug 4, 2026
2 tricycle driver nag-away; 1 nawalan ng buhay
Aug 4, 2026
KELOT SUGATAN MATAPOS ‘IED’ NA KINALIKOT SUMABOG
Aug 4, 2026
Kelot nasabat sa maraming bilang na cybercrime
Aug 4, 2026

