Lalaki tiklo sa vote-buying
May 15, 2025
Calendar

Metro
61-anyos na driver sa Antipolo nanalo ng P11.5M sa lotto
Peoples Taliba Editor
Aug 18, 2022
276
Views
ISANG 61-anyos na driver mula sa Antipolo City ang isa sa dalawang nanalo ng P23.061 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) pumunta na sa kanilang tanggapan ang nanalong driver noong Agosto 3. Siya ay nag-uwi ng P11.53 milyon.
Sinabi ng nanalo na ang numero ay galing sa kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay. Mayroon umano siyang dalawang anak.
Sa kabila ng nakuhang pera, sinabi ng nanalo na hindi pa rin siya titigil sa pagmamaneho dahil madali umanong maubos ang pera.
Siya at isa pang mananaya mula sa Marikina City ang nakakuha ng 17-11-23-21-05-25 sa bola ng Lotto 6/42 noong Hulyo 23.
Ang mananaya sa Marikina ay hindi pa pumupunta para kunin ang kanyang premyo.
NBI humataw; P55M fake signature items nakumpiska
May 15, 2025
Suspek sa panghahalay sa menor de edad sumuko
May 15, 2025
Nawawalang VMX star Karen lumutang
May 15, 2025
2 patay, 5 sugatan sa sunog sa Calooan
May 15, 2025