QC walang pasok sa Agosto 19

87 Views

WALANG pasok sa Quezon City sa Biyernes, Agosto 19 bilang pagdiriwang ng ika-144 kaarawan ni dating Pangulong Manuel Quezon.

Sa inilabas na pahayag ng Quezon City government, sinabi nito na alinsunod sa Republic Act 6741 ang Agosto 19 ng bawat taon ay isang special non-working holiday sa lungsod.

Tuloy naman ang trabaho ng mga nagtatrabaho sa essential services gaya ng law enforcement, traffic management, fire protection, health and rescue, at disaster response and management.

Tigil din ang biyahe ng mga QCity Bus na nagbibigay ng libreng sakay sa mga residente.