NBI inaresto 20 Chinese nationals na sabit sa POGO
Feb 28, 2025
Ex ni girlalu may anger issues
Feb 28, 2025
Calendar

Health & Wellness
6,297 bagong kaso ng COVID-19 naitala mula Marso 1-7
Peoples Taliba Editor
Mar 7, 2022
325
Views
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 6,297 bagong kaso ng COVID-19 mula Marso 1 hanggang 7.
Sa datos na inilabas ngayong Lunes, sinabi ng DOH na ang daily average case na 899 sa naturang linggo ay mas mababa ng 30% kumpara sa naitala mula Pebrero 22-28.
Sa naitalang bilang sa nakalipas na linggo, tatlo lamang ang severe o critical cases.
Sa kabuuan ay mayroong 1,055 severe at critical cases sa bansa.
Ang intensive care unit (ICU) utilization rate at 25.7%, o ang ginagamit ay 807 sa 3,138 ICU beds.
Sa non-ICU beds, 18.4% o 4,543 sa 24,678 ang ginagamit ngayon.