DOH

Nasawi sa COVID-19 umakyat sa 57K

404 Views

UMAKYAT sa 57,023 ang bilang ng mga nasawi sanhi ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong Linggo, nadagdagan ng 144 ang bilang ng mga pumanaw.

Sa bilang na 144, paglilinaw ng DOH, 12 ang namatay ngayong Marso, 64 noong Pebrero, 48 noong Enero, tatlo noong Disyembre 2021, anim noong Nobyembre 2021, apat noong Oktobre 2021, at pito noong Setyembre 2021.

Samantala, may nadagdag namang 870 ang mga nahawa ay may kabuuang bilang na 3,667,542.

Mayroon ngayong 48,793 aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang bilang naman ng mga gumaling ay 3,561,726, nadagdagan ng 1,433.