72 katao nalunod noong Holy Week—PNP

177 Views

UMABOT umano sa 72 ang bilang ng mga nalunod noong Holy Week, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo ang datos ay hanggang alas-6 ng gabi noong Linggo.

Sa bilang ng mga nasawi, 19 ang nangyari sa Calabarzon, 14 sa Ilocos region at 10 sa Central Luzon.

May naitala namang apat na nasawi ang PNP dahil sa aksidente sa kalsada.