mike velarde

Bro. Mike Velarde sa pag-endorso sa BBM-Sara UniTeam: Panahon na para magkaisa tayong Pilipino

757 Views

SA pag-endorso ng lider ng El Shaddai na si Bro. Mike Velarde kina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at Davao City Mayor Sara Duterte ay nanawagan din ito ng pagkakaisa sa mga Pilipino.

”After all, napagbigyan na natin yung mga kalaban ni Marcos baka naman ito may magawang mabuti sa atin that’s why I have chosen them,” sabi ni Velarde.

Sa pambihirang pagkakataon ay itinaas ni Velarde ang kamay nina Marcos at Sara sa harap ng mga tagasunod nito.

Ang El Shaddai at isang Catholic charismatic group, El Shaddai na mahigit 6 milyon ang aktibong miyembro sa buong mundo.

Sinabi ni Velarde na pinili nitong suportahan sina Marcos at Duterte dahil panahon na para magkaisa ang mga Pilipino.

“Open-minded sila (UniTeam). Panahon na para magkaisa tayong Pilipino,” dagdag pa ni Velarde.

Ayon kay Velarde ipararamdam ng kanilang mga chapter sa iba’t ibang panig ng bansa ang pagsuporta kay Marcos at Duterte.

Wala umanong hinihinging kapalit ang El Shaddai sa kanilang pagsuporta maliban sa pagtupad sa pangako na sosolusyunan ang mga problema ng bansa.

“Kailangan masolusyonan nila kaya lang hindi pwedeng gawin ‘yun kung walang suporta ang bayan, kaya kailangan magkaisa tayo na suportahan ang namumuno sa atin,” wika pa ni Velarde.