Calendar
Larawan: Kim Kardashian/IG
Kim Kardashian nagbakasyon sa Pilipinas para sa 46th kaarawan
NAGBAKASYON sa Pilipinas ang American media personality at businesswoman na si Kim Kardashian para sa kanyang nalalapit na ika-46 na kaarawan.
Sa Instagram, ibinahagi ni Kardashian ang serye ng mga larawan at video mula sa kanyang island getaway na may caption na “Philippines Birthday Adventures.”
Kabilang sa mga aktibidad niya ang scuba diving, pamamasyal sa dagat at pag-enjoy sa tanawin ng dalampasigan. Ibinahagi rin niya ang ilang sandali ng kanyang pagdiriwang, kabilang ang larawan habang hinihipan ang kandila sa birthday cake.
Umani naman ng mga komento ang kanyang post mula sa pamilya, kaibigan at iba pang personalidad. Kabilang sa bumati ang kanyang inang si Kris Jenner at kapatid na si Kourtney Kardashian, habang may ilang Filipino celebrities din na nagpaabot ng pagbati at nag-welcome sa kanya sa bansa.
