Suspended

Pisay Main suspendido ang klase Oct. 26–27 dahil sa pagdami ng nagkakasakit

26 Views

SUSPENDIDO ang lahat ng klase sa Philippine Science High School (PSHS) Main Campus sa Diliman, Quezon City sa Oktubre 26 at 27 dahil sa dumaraming ulat ng pagkakasakit ng mga estudyante.

Batay sa advisory ng paaralan, ipatutupad ang suspensiyon alinsunod sa PSHS-MC Memo No. 79, series of 2026. Layunin nitong mabigyan ng panahon ang mga estudyante na gumaling at mapigilan ang posibleng pagkalat ng sakit.

Samantala, lilipat sa online learning ang mga klase sa Oktubre 28 at 29, Miyerkules at Huwebes, upang higit na malimitahan ang hawahan habang nagpapagaling ang mga apektadong estudyante.

Pinayuhan din ng pamunuan ang lahat na panatilihin ang wastong kalinisan ng kamay, sundin ang respiratory etiquette, at agad iulat sa Health Services Unit (HSU) ang anumang sintomas na tulad ng trangkaso.