Phivolcs

Magnitude 5.1 lindol yumanig sa DavOcc

177 Views

Isang lindol na may lakas na magnitude 5.1 ang yumanig sa Davao Occidental, hapon ng Sabado, Nobyembre 5.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-3:42 ng hapon.

Ang epicenter nito ay 191 kilometro sa silangan ng Balut Island sa Sarangani at may lalim na 93 kilometro.

Nagbabala ang PHIVOLCS na posibleng magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito.