Rape Nagbigay ng pahayag si PLt. Col. Norman Patnaan kaugnay sa mga nagtatago sa batas sa kanilang area of responsibility.

Waiter huli sa 3 bilang ng statutory rape

Jon-jon Reyes Oct 30, 2026
26 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng MPD-Malate Police Station 9 ang isang binatang waiter dahil sa tatlong counts ng kasong statutory rape sa Brgy. 736, Mataas na Lupa St., malapit sa kanto ng Quirino Avenue, Malate, Maynila noong Miyerkules.

Nakilala ang suspek na si alyas Paul, 18, residente ng Mataas na Lupa St., Brgy. 737, Malate, Maynila.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Norman Patnaan, hepe ng Malate Police Station 9, bandang alas-11:05 ng tanghali ng damputin nina PLt. Michael Olaer ang suspek sa tulong ng warrant of arrest para  sa kasong statutory rape.

Ang warrant ay inisyu ni Judge Delight Aissa Salvador ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 29 ng Maynila.

Walang piyansa na inilaan para sa temporary liberty ng suspek.

Gumamit ng dalawang alternatibong pang-rekord ang mga pulis sa paghuli sa suspek.

Ayon kay Patnaan, kahit nasa bakasyon o pahinga ang mga publiko dahil sa Undas mananatili ang kanilang presensiya sa lansangan at patuloy na magbabantay sa mga mamamayan.

“Ang warrant of arrest sa aming tanggapan ay hindi dapat hayaang naka display lamang. Ito ay dapat ipatupad alinsunod sa batas,” sabi ng opisyal ng pulis.