Lola Kita sa CCTV ng Bgy 598 ang rider na kumuha ng bag na naglalaman ng pera at alahas mula sa biktimang lola.

Lola,73, nabiktima ng Dugo-Dugo sa Sta. Mesa, P500K natangay

Jon-jon Reyes Oct 29, 2026
30 Views

Lola1UMABOT sa mahigit P500,000 kabilang ang mga alahas at pera ang natangay ng Dugo Dugo Gang mula sa 73-anyos na lola sa Sta Mesa, Maynila, noong Martes.

Ayon sa salaysay ng biktima, isang tawag ang natanggap niya mula sa isang babae na nagsabing nakabanga umano ang kanyang anak ng 18-anyos na biktima.

Sinabi ng tumawag sa lola na kinakailangan magbayad ng P500,000 bilang kabayaran sa danyos sa ginawa ng kanyang anak. Sinabi rin ng tumawag sa lola na huwag ipagsabi ang nangyaring aksidente.

Binuo ng lola ang nasabing halaga kabilang ang mga alahas at pera na nagkakahlaga ng P100,000 at P400,000.

Base sa kuha ng CCTV sa lugar ng biktima, isang motorsiklo na pumarada sa harap ng bahay ng lola.

Maya maya ay makikitang inaabot ng lola ang isang bag na naglalaman ng mga alahas at pera. Pagkatapos nito ay umalis na ang rider.

Makalipas ang mahigit isang oras ay dumating ang anak ng biktima lulan ng e-trike.

Dito nadiskubre na hindi totoo ang nasabing aksidente at nabiktima ang lola ng Dugo Dugo Gang.

Agad nagsumbong sa barangay ang mga biktima at itinawag ang insidente sa pulisya.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang insidente.