Calendar
Kinilala ni PLt. Col. Norman Patnaan ang suspek sa kasong frustrated murder na natimbog sa Sta. Ana, Manila.
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
KULUNGAN ang bagsak ng 60-anyos na lolo matapos matimbog ng mga operatiba ng MPD Malate Police Station 9 dahil sa kasong frustrated murder sa Zobel Roxas St. kanto ng Osmeña Highway, Brgy. 764, Santa Ana, Manila.
Nakilala ang suspek na si alyas Eddie Boy, may asawa, at residente ng Onyx St., Zone 84, District 5, San Andres Bukid, Brgy. 775, Santa Ana, Manila.
Ayon sa report kay Police Lieutenant Colonel Norman Patnaan, hepe ng MPD Malate police station 9, bandang ala-1:03 ng hapon ng damputin ang lolo.
Isinilbi nina PLt. Michael Olaer ang warrant of arrest laban sa akusado.
Ang warrant ay inilabas ni Judge Clyde Labuca Asual, Presiding Judge ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 176, Manila.
May inirekomendang piyansa na P200,000 para sa temporary liberty ng suspek.
Nakakulong sa custodial facility ng Malate police station ang akusado.

