Calendar
Inireport ni PLt. Col. Rommel Anicete kay MPD Chief PBGen. Arnold Santiago ang naarestong binata na may dalang siyam na gramo na hybrid na marijuana.
Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
NAARESTO ng mga operatriba ng MPD- Baseco Police Station 13 ang isang binata na may dalang siyam na gramo ng hybrid marijuana sa Blk. 20, Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Nakilala ang suspek na si alyas Joner, 19, binata at residente ng Blk. 18, Baseco compound, Port Area, Maynila.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, bandang alas-7:25 ng gabi ng mabuking ang suspek sa dala nitong marijuana na nagkakahalaga ng P12,572.
Nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng MPD PS 13 sa pamumuno ni PLt. Redentor Dela Cruz na nagresulta sa pagkaka timbog sa suspek at nakumpiska ang motorsiklo (Honda Click, 06840L) at isang sachet na naglalaman ng hinihinalang hybrid marijuana na kilala rin bilang kush.
Ang binata ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
