Amok Ang sugatang suspek at ang pulis ang ang pulis na pinukol ng bato sa tinangkang saksakin. Source: SPD-PIO

KELOT NANAKIT NG ASO SA TAGUIG, NAKAPIIT

Edd Reyes Nov 1, 2026
29 Views

Amok1PINUKOL ng bato at tinangka umanong saksakin ng nagwawalang lalaki ang isa mga pulis na nagresponde sa ginagawa niyang pananakit sa isang aso noong Sabado ng umaga sa Taguig City.

Kapuwa sugatan ang pulis at ang 34-anyos na si alyas “Vincent” matapos gamitan na ng puwersa ng mga pulis at tauhan ng barangay ang suspek upang makuha ang hawak na patalim na iwinawasiwas sa mga awtoridad.

Sa ulat ng tanggapan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Rodel Pastor, humingi ng tulong ang mga opisyal ng barangay sa pulisya nang mabigo silang awatin ang suspek na sinasaktan ang isang aso gamit ang patalim sa J.P. Rizal Ext. Brgy. Cembo, Taguig.

Kaagad namang nagtungo sa lugar ang operatiba ng Police Sub-Station-11 subalit nang tangkain nilang awatin ang lalaki, dumampot ito ng malaking bato at ipinukol sa isa sa mga pulis bago niya sinugod at tinangka pang saksakin.

Nalapatan na ng lunas ang sugatang pulis sa Taguig-Pateros District Hospital habang nakaratay at mahigpit na binabantayan sa naturang pagamutan ang suspek na mahaharap sa reklamong paglabag sa Animal Welfare Act, Direct Assault, Disobedience to a Person in Authority, at

Alarm and Scandal sa Taguig City Prosecutor’s Office.