PAR Larawan: PAGASA/FB

PAGASA mino-monitor sama ng panahon sa labas ng PAR

63 Views

PATULOY na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang tropical depression na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Biyernes, Nobyembre 6, 2026.

Batay sa abiso ng PAGASA dakong alas-8 ng umaga, namataan ang sama ng panahon sa layong 3,035 kilometro silangan ng Central Luzon. Taglay nito ang maximum sustained winds na 45 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 55 km/h. Kumikilos ito pa-kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h.

Samantala, ayon sa 24-hour weather forecast, umiiral ang Northeast Monsoon sa Northern Luzon habang easterlies naman ang nakaaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa.

Inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Eastern Visayas, Caraga, at Davao Oriental. Posible ang pagbaha at landslide sa mga lugar na makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms. Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakatutok sa mga susunod na abiso ng PAGASA.