Blanco

Malasakit, liderato, puso sa panglilingkod ni Konsi Arthur Blanco pinarangalan

12 Views

Blanco1Blanco2

WALANG nakapigil sa nagniningning na tagumpay ni Batangas City Councilor Arthur G. Blanco matapos niyang masungkit ang itinuturing na isa sa pinakamataas na pagkilala sa bansa — ang Outstanding Humanitarian & Community Service Award sa ginanap na 2026 Philippines Choice Award nitong noong Sabado sa Centennial Hall ng The Manila Hotel.

Namamayagpag ang ipinamalas na dedikasyon at tapat na serbisyo-publiko ni Konsehal Blanco dahilan upang irekognisa ang kanyang walang sawang pagtulong sa kapwa at pagpapaunlad sa komunidad.

Ayon sa mga organizer at nakasaksi sa gabi ng parangal, ang nasabing award ay patunay lamang ng tunay na malasakit, liderato, at puso sa paglilingkod ng konsehal na naghatid ng malaking pagbabago at pag-asa sa buhay ng maraming kababayan.

“Isang parangal, isang layunin — ang tapat na paglilingkod at malasakit sa kapwa!”

Ito ang nagkaisang sigaw ng mga tagasuporta ng konsehal.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa iba’t ibang sektor para kay Konsehal Blanco na patuloy na nagsisilbing inspirasyon at ehemplo ng tunay na lingkod-bayan.