Droga

Obrero wanted sa Batangas dahil sa droga, himas rehas

10 Views

Magsombol

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas — Bagsak sa kulungan ang isang tinaguriang Provincial Most Wanted Person matapos madakma ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon sa Brgy. Luna, Tuy, Batangas noong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang naarestong akusado na may alyas na Manolito, 35, construction worker, at residente ng Brgy. Luna, Tuy, Batangas.

Isinagawa ang pag-aresto batay sa isang warrant of arrest na inilabas ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 11, Balayan, Batangas, kaugnay ng paglabag sa Seksyon 5 at 11, Artikulo II ng Republic Act No. 9165, na kilala rin bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

Ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa “Miranda Doctrine” at sa mga probisyon ng “Anti-Torture Act.” at gumamit din ng “Alternative Record Device” (ARD) sa panahon ng operasyon upang matiyak ang maayos na dokumentasyon.

Ang naarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Tuy Municipal Police Station habang inihahanda ang mga kinakailangang dokumento para sa pagbabalik ng warrant sa korte na naglabas nito.