Laguna

Free psychiatric consultation sa Laguna sa Lunes

Gil Aman Nov 8, 2026
27 Views

CALAMBA CITY–Magbubukas sa Laguna ang pagpaparehistro para sa libreng konsultasyon sa psychiatrist sa ilalim ng programang ‘Akay ni Gob’ sa Nob. 9 sa Hectan compound.

Gaganapin ang registration mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon at bukas para sa mga residenteng taga-Laguna na nais makakuha ng libreng konsultasyon para sa kanilang kalusugang pangkaisipan.

Ayon kay Gob. Sol Aragones, maaaring magparehistro ang pasyente kasama ang kanyang guardian.

Maaari ring kamag-anak lamang ng pasyente ang mag-asikaso ng pagpapalista.

“Pwede pong pasyente at guardian ang magpalista pero pwede rin pong kamag-anak lamang ng pasyente.

Matapos po ang registration, pakihintay ang tawag ng aming staff para sa inyong schedule,” pahayag ni Gob. Aragones.

Bahagi ang konsultasyon sa pagsisikap ng Laguna, sa pangunguna ni Gob. Aragones, na mailapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga Lagunense.