Vergeiri

3-day vax drive itinulak ng DOH

157 Views

MAGSASAGAWA ng tatlong araw na vaccination drive laban sa COVID-19 ang Department od Health (DOH) sa susunod na buwan.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire layunin ng vaccination drive na mapataas ang bilang ng mga nabakuhanan ng primary at booster shot lalo na sa mga batang edad 5 hanggang 11.

Isasagawa ang Bakunahang Bayan sa Disyembre 5 hanggang 7.

Makakatuwang umano ng gobyerno sa programa ang Chinese community, mall, fast food restaurant, at mga pribadong doktor.

Batay sa datos ng DOH, 73.7 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 at 20.9 milyon naman ang nakapagpa-booster shot na.