DOH

Kaso ng COVID-19 nadagdagan ng 9,069—DOH

170 Views

NADAGDAGAN ng 9,069 ang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 sa bansa mula Nobyembre 7 hanggang 13.

Ayon sa Department of Health (DOH) ang average daily case noong nakaraang linggo ay 1,296, mas mataas ng 43 porsyento kumpara sa 907 arawang average mula Oktobre 31 hanggang Nobyembre 6.

Nadagdagan naman ng 113 ang bilang ng nasawi.

“Of the figures, 39 occurred in November 2022, 42 in October 2022, 13 in September 2022, two in August 2022, four in March 2021, four in February 2021, four in January 2021, one in December 2020, three in November 2020, and one in September 2020,” sabi ng DOH.