adamson Pinilit ni AdU’s Jerom Lastimosa na umiskor ng lay-up laban kay DLSU’s Mark Nonoy sa kanilang UAAP men’s basketball playoff game kagabi. UAAP photo

Adamson pinatalsik ang La Salle

Theodore Jurado Dec 5, 2022
436 Views

UMISKOR ang Adamson, na kumakapit sa pang-lima at pang-anim sa karamihan ng season, ng 80-76 panalo laban sa La Salle upang makuha ang nalalabing Final Four berth sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa harapan ng 7,831 fans sa Mall of Asia Arena.

Nagbida si Jerom Lastimosa para sa Falcons na may 22 points sa 40 percent three-point shooting at nagbigay ng anim na assists.

Ang Dumaguete native ay bumuslo o nag-assist ng 24 sa kabuuang 42 points ng Adamson sa second half.

“It feels great to be in the Final Four,” sabi ni Falcons mentor Nash Racela sa post-game television interview. “Hindi pa tapos ang laban. Magta-trabaho pa kami.”

Haharapin ng Adamson sa Final Four ang top-ranked Ateneo sa alas-6 ng gabi sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum. Ang Falcons ay 0-2 laban sa Blue Eagles sa elimination round.

Magtatagpo sa isa pang semis pairing ang defending champion University of the Philippines at No. 3 National University sa alas-2 ng hapon.

Nagdagdag si Joshua Yerro ng 13 points at anim na rebounds habang tumipa sina AP Manlapaz at Lenda Douanga ng 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Adamson.

Kumabig si Evan Nelle ng 22 points subalit sumablay ang tres sa huling 12 segundo na siyang nagpatabla sana sa laban sa 79-79 habang nagdagdag si Mark Nonoy ng 15 points para sa Green Archers.

Sa women’s division, nagtala ang La Salle ng 74-69 tagumpay laban sa University of Santo Tomas upang makopo ang huling Finals berth.

Haharapin ng Lady Archers ang Lady Bulldogs sa best-of-three championship series simula sa alas-11 ng umaga sa Miyerkules. Winakasan ng La Salle, na huling umabot sa league’s biggest stage noong 2016, ang makasaysayang 108-game winning streak ng NU sa pamamagitan ng 61-57 overtime win sa second round.

Nagposte si Fina Niantcho ng double-double outing na may 18 points, 12 rebounds, dalawang steals at dalawang blocks, solido rin si Binaohan para sa Lady Archers na may 17 points, 10 boards, dalawang assists at dalawang steals habang nag-ambag si Ameng Torres ng 16 points, walong boards at apat na assists.

Nanguna si Agatha Bron para sa Tigresses na may 13 points habang nagsalansan si projected season MVP Eka Soriano ng 10 points, siyam na boards, anim na assists at tatlong steals.

Iskor:

Unang laro (Women)

DLSU (74) — Niantcho 18, Binaohan 17, Torres 16, Sario 12, Jimenez 5, Dalisay 3, Arciga 2, De La Paz 1, Camba 0, Ahmed 0, Espinas 0.

UST (69) — Bron 13, Soriano 10, Dionisio 9, Villasin 8, Tacatac 8, Pangilinan 8, Ambos 8, Serrano 3, Santos 2.

Quarterscores: 21-18, 38-34, 57-50, 74-69

Ikalawang laro (Men)

AdU (80) — Lastimosa 22, Yerro 13, Manlapaz 11, Douanga 10, Manzano 8, Sabandal 8, Jaymalin 3, Hanapi 2, Flowers 2, Torres 1, V. Magbuhos 0, Colonia 0, Barasi 0, Fuentebella 0.

DLSU (76) — Nelle 22, Nonoy 15, B. Phillips 11, Austria 11, Cortez 10, Abadam 3, Macalalag 2, Buensalida 2, Estacio 0, Nwankwo 0, Manuel 0.

Quarterscores: 20-27, 38-48, 59-60, 80-76