Calendar

Blue Hawks, Patriots magtutuos sa NCRAA finals
DASMARIÑAS, Cavite — Magtutuos ang Immaculada Concepcion College at De La Salle University-Dasmariñas para sa kampeonato ng NCRAA Season 31 basketball tournament
Pinayuko ng ICC ang Philippine Merchant Marine School, 104–89, habang pinadapa ng De La Salle-Dasmariñas ang Bestlink College of the Philippines, 87-82, samagkahiwalay na sagupaan sa semifinal sa Ugnayang La Salle gymnasium.
Nagsanib pwersa sina Alfred Flores, Totoy Ramirez at Joshua Bulante at umiskor ng 58 points para sa Ogie Gumatay-mentored Blue Hawks, na nagtatangka ng rare three-peat.
Nagpakitang gilas si Flores sa kanyang 35 points, kabilang ang 7-of-11 shooting mula three-point territory, bukod pa sa eight rebounds at seven assists sa 36 minutes ng aksyon para sa Caloocan-based Blue Hawks
Nakatulong niya sina Ramirez sa kanyang 23 points, eight assists, at six rebounds, at Bulante, na may 16 points at six rebounds.
Nag-ambag sina Felix Corpuz at Paul Lopez ng 11 at 9 points, ayon sa pagkasunod.
Nanguna naman si Alfred Estinopo para sa Mariners ni coach Aldrin Morante na may 28 points at four rebounds sa 34 minutes.
Nagdagdag din sina Jeff Reyes ng 20 points at eight assists; Dave Bolima ng 14 points at nine rebounds; at Dan Sildo ng 12 points at eight boards.
Samantala, sumandal ang Dasmariñas-based Patriots ni coach Tito Reyes kay Rogelio Calagos,na nagtala ng 25 points, eight assists, six rebounds at five steals sa 35 minutes.
Nakatulong din sa patriots sina Joriel Nicandro (16 points, eight rebounds), Gio Santiago (14 points), Ronroy Bunda (12 points) at JL Rasonable (nine points, 11 rebounds) and PJ Delos Santos (nine points).
Namuno sina Kobe Ambrocio at Victor Nuarin para sa Quezon City-based Kalasag ni coach Jerich Felipe sa kanilang 20 at 19 points.
Sa women’s division, giniba ng Emilio Aguinaldo College-Cavite ang Bestlink College of the Philippines, 66–61, upang itakda ang championship showdown laban sa De La Salle University–Dasmariñas.
Sa juniors division, binigo ng ICC Junior Blue Hawks ang Lyceum of the Philippines University–Laguna, 90–73, at winalis ng EAC–Cavite Junior Vanguards ang Integrated School of Science, 97–89, para sa umabante sa finals.