Mindoro Nagpasiklab si Joseph Sedurifa ng Mindoro Tamaraws.

Mindoro nagpasiklab sa MPBL

Robert Andaya Jun 12, 2025
588 Views

SUMANDAL ang Mindoro Tamaraws sa mainit na mga kamay nina Joseph Sedurifa at Wendelino Comboy upang biguin ang

Sarangani Grippers, 79-65, at patatagin ang kanilang tsansa para sa playoff spot sa Manny Pacquiao presents 1xBet-MPBL 2025 Season sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Humirit si Sedurifa ng 18 points, lahat mula sa triples, sa second half, habang nagpakawala sin Comboy ng 17 points, kabilang ang limang triples, para i-angat ang

Tamaraws sa rekord na 8-8 sa round-robin elimination phase ng 30-team tournament.

Ang 6-foot-1 na si Sedurifa ay nagdagdag ng seven rebounds, five assists at three steals upang mahirang na “Best Player.of the Game”.

Naungusan niya para sa award ang teammate na si Comboy, na meron ding five rebounds, five assists at three steals.

Ang iba pang Tamaraws na nakatulong sa panalo ay sina RJ Ramirez (12 points, 3 assists), at Bam Gamalinda (11 points).

Ang Sarangani ay nakakuha naman ng 19 points at 10 rebounds mula kay Lars Sunga, 10 points, 7 rebounds at 6 assists mula kay Kyt Jimenez, at 9 points, 7 rebounds, 5 assists at 2 blocks mula kay Coy Alvez.

Ang MPBL ay dadayo.sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City, na kung saan maghaharap ang Bataan at Quezon City s4 p.m., Cebu at Batangas sa 6 p.m., atbNueva Ecija at Zamboanga sa 8 p.m.