Calendar
Mga bida sa MPBL, kinilala
NANGUNA ang 1-2 punch ng Nueva Ecija Rice Vanguards na sina Hesed Gabo at Will McAloney sa mga pinarangalan bilang pinakamahuhusay na manlalaro sa foutth season ng OKBet-Maharlika Pilipinas Basketball League.
Sina Gabo at McAloney ay kasama sa Mythical Team, na kinabibilangan din nina
Jaycee Marcelino ng Zamboanga Family’s Brand Sardines, Judel Fuentes ng San Juan Knights at Cedric Ablaza ng Batangas City Embassy Chill.
Pinarangalan ang nasabing mga manlalaro bago ang Game 2 ng National Finals, na tinatampukan ng Nueva Ecija Rice Vanguards at Zamboanga Family’s Brand Sardines sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City.
Ang bawat isang awardees ay tumanggap ng tig P10,000 mula kay Ryan David Roxas ng David Roxas Construction.
Ang MPBL 4th Season MVP ay ia-anunsyo naman sa Game 3 ng National Finals na nakatakdang gawin sa Mayor Vitaliano Agan Coliseum sa Zamboanga City sa Dec. 9.
Samantala, nabigyan din ng kaukulang awards sina:
Rookie of the Year — Kyt Jimenez ng Sarangani Marlins.
Defensive Player of the Year — Mark Yee ng Bacolod Bingo Plus.
Homegrown Player of the Year — Archie Concepcion ng Pampanga Giant Lanterns.
Sportsmanship awardee — Jay-R Taganas ng Nueva Ecija
Lucio Tan Jr. MPBL Executive of the Year — Bong Cuevas ng Nueva Ecija.
Tumanggap si Jimenez ng P15,000 at overnight stay sa Buracai de Laiya courtesy ni Robert Cay.
Si Yee ay tumangap ng one-year supply ng DFence Vitamin C mula CNF Pharmaceutical Products sa pamamagitan ni Bernard Fernandez at P5,000 mula MPBL.
Si Taganas ay nakakuha ng P15,000 mula sa Pound For Pound Fitness.
Si MPBL Commissioner Kenneth Duremdes ang nag-abot ng mga tropeo kina Cuevas at limang miyembro ng Mythical Team
Katuwang ni Dutemdes sa pagbibigay ng nga awards sina Head of Operations Emmer Oreta, MPBL Executive Joe Ramos at Chief of Security Rudy Distrito.