Bautista

Pagsasapribado ng NAIA prayoridad ng DOTr

141 Views

PRAYORIDAD ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsasapribado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang mapaganda umano ang serbisyo nito.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista minamadali na ng ahensya ng paggawa ng terms of reference ng magiging kontrata.

“We will work and fast-track the privatization of the NAIA, because MIA remains the primary gateway to the Philippines,” sabi ni Secretary Bautista.

Sinabi ni Bautista na kailangan ng gawing moderno at palawigin ang operasyon ng NAIA at magagawa ito sa tulong ng pribadong sektor.

Ayon kay Bautista ang NAIA ay mayroon lamang 40-44 movements ng aircraft kada oras.

Kapag natuloy ang pagsasapribado, target na maitaas ito sa 50 hanggang 55 kada oras.

“Admittedly, we have two airports that are across each other. We can only handle 40 to 44 movements per hour, but with the new technology, we should be able to increase this to 50, or even 55,” dagdag pa ni Bautista.

Ipapasok umano sa terms of reference ang bagong implementing rules and regulations (IRR) ng Public-Private Partnership (PPP) scheme kung saan ang hindi pagkakasundo ng gobyerno at pribadong kompanya na makakakuha ng kontrata ay sasailalim sa arbitration.

“We will fast-track the conditions of the terms of reference. Also, we are happy to inform you that there was an amendment to the IRR of the PPP Law, which will address the issue that I have just mentioned. And also, will allow arbitration, in case there’s dispute between the PH government and the private sector,” sabi pa ng Kalihim.