Pangandaman

DBM: Dagdag-sahod sa mga kawani ng gobyerno mararamdaman ngayong buwan

223 Views

SIMULA ngayong buwan ay mararamdaman na ng mga kawani ng gobyerno ang dagdag sa kanilang sahod alinsunod sa Salary Standardization Law of 2019 (SSL V) o Republic Act 11466.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) ito ang ikaapat at huling yugto ng pagtataas ng sahod sa ilalim ng SSL V na sinimulang ipatupad noong 2020.

“The government recognizes the indispensable role of its dedicated personnel in serving our beloved country. We are firmly committed to help them amidst rising prices of goods and services. We hope this latest salary increase will cushion the impact of inflation,” sabi ni Budget Secretary Amenah F. Pangandaman.

Nilagdaan na ni Secretary Pangandaman ang dalawang Budget Circular para sa pagpapatupad ng taas-sahod.

Kasama sa pagtataas ng sahod ang lahat ng civilian personnel, regular man, casual, o contractual.

Hindi naman kasali sa pagtataas ang mga walang employer-employee relationship at ang bayad ay hindi nanggagaling sa budget na nakalaan sa Personnel Services.

Hindi rin kasali sa pagtataas ang mga military and uniformed personnel, GOCCs na saklaw ng RA 10149, at mga indibidwal na ang serbisyo ay sa pamamagitan ng job order, contracts of service, consultancy o service contract na walang employer-employee relationship.