COE

Pag-imprenta ng balota para sa special election sa Cavite sinimulan

144 Views

SINIMULAN na ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa special election para sa pagpili ng kinatawan ng ikapitong distrito ng Cavite.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec) ang mga machine-readable official at iba pang accountable forms ay iniimprenta na ng National Printing Office (NPO).

Ang special elections ay isasagawa sa Pebrero 25.

Mayroong mahigit na 355,000 rehistradong botante sa ikapitong distrito ng Cavite kung saan kabilang ang mga bayan ng Amadeo, Indang, Tanza at siyudad ng Trece Martires.

Nabakante ang puwesto matapos na italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nanalong kinatawan na si Jesus Crispin Remulla bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).