BBM

DP World magdadagdag ng investment sa PH

165 Views

MATAPOS makipagpulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nagpasabi ang logistic company na DP World na magdadag ito ng investment sa Pilipinas.

Target ng DP World na magtayo ng industrial park sa Clarkfield sa Pampanga.

“We are committed to investing in the Philippines; we’re committed to expand,” sabi ni Sultan Ahmed bin Sulayem, Group Chairman at chief executive officer kay Pangulong Marcos. “So we’re interested in the Philippines, in industrial parks.”

Ayon sa opisyal ng Dubai-based logistics company, nakapagtayo na ito ng mga industrial park sa iba’t ibang bansa.

Sinabi ni Pangulong Marcos na dapat magdesisyon ang DP World kung saan nito nais ilagay ang kanilang operasyon.

“And if it’s viable and those areas are actually useful for your operation then that would be something that we can immediately develop,” ani Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos nakikipagpulong ito sa iba’t ibang negosyante habang nasa Switzerland upang makuha ang kanilang mga pananaw kung ano ang kailangang gawing polisiya ng gobyerno para sila ay mamuhunan sa Pilipinas.

“We always come up against the issues of the ease of doing business. These are things that we are already slowly improving. And I say slow because it’s never fast enough but at least I think we can already see some progress on that,” sabi pa ng Pangulo.

Ang DP World ay isang global logistics provider sa may 69 bansa. Sila ay nasa likod ng pagbiyahe ng 10 porsyento ng global trade.