Calendar
PBBM: Kahit isang pulgada ng teritoryo ng bansa hindi ipakakamkam
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kahit na isang pulgada ng teritoryo ng bansa ay hindi ipakakamkam at patuloy umanong makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga kaalyado nito upang maproteksyunan ang mga Pilipino.
“The country has seen heightened geopolitical tensions that do not conform to our ideals of peace and threaten the security and stability of the country, of the region, and of the world,” sabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming 2023 sa Baguio City.
“This country will not lose one inch of it’s territory. We will continue to uphold our territorial integrity and sovereignty in accordance with our Constitution and with international law. We will work with our neighbors to secure the safety and security of our peoples,” giit ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo patuloy ang mga gagawing hakbang upang umunlad ang bansa kasabay ng layunin na nais na makamit ng international community.
“We have cemented our bilateral relations with our allies, with partners, with our friends. And as we work on translating these investments into material benefits for our people, we must ensure that we continue to preserve the security and the safety of our nation,” dagdag pa ng Pangulo.
Kasabay ng kanyang pagbati sa mga awardees ng PMA ngayong taon, hinamon ng Pangulo ang mga ito na hayaan ang kanilang mga nagawa upang pag-apuyin ang pagnanais ng mga kadete na magserbisyo sa bayan.
“Inspire them once more to become leaders of character. Stay true to the ideals and values—such as integrity, service before self, and professionalism— that you have gained from the Academy that everyone should innately possess as public servants,” sabi pa ng Pangulo.
Mula ng itayo noong 1930s, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na lumilikha ang PMA ng mga indibidwal na iniaalay ang buhay para sa pagsisilbi sa bayan upang mapanatili ang demokrasya at kalayaan na tinatamasa ng mga Pilipino ngayon.