BBM

PBBM dinagdagan tauhan ng PCG

197 Views

DINAGDAGAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) upang mapalakas at mapatatag ang ahensya.

“In the first year of the presidency of President Bongbong Marcos, he added an additional 4,000 that’s why we now have 26,000. Before the year ends this year, we’re also expected to have an additional 4,000 which will make the Philippine Coast Guard 30,000 strong,” sabi ni PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela.

Ayon kay Tarriela malaking tulong ang dagdag na mga tauhan lalo at mayroong tensyon sa West Philippine Sea.

Nauna ng sinabi ni Pangulong Marcos na hindi isusuko ng gobyerno kahit na isang pulgada ng teritoryo ng bansa at nangako na makikipagtulong sa mga kaalyado nito upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino.

Bukod sa dagdag na mga tauhan, pinuri rin ni Tarriela ang pagpasa ng Philippine Coast Guard Modernization Law na magpaparami sa mga offshore patrol vessels at aircraft at mga radar ng bansa.

Suportado rin ng PCG ang pagsasagawa ng joint maritime patrol kasama ang United States Coast Guard sa border ng Pilipinas.

Nakahanda rin umano ang PCG upang alalayan ang mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea.