BBM1

PBBM nag-alok ng pagkakasundo sa anibersaryo ng EDSA People Power

130 Views

NAG-ALOK ng kamay ng pagkakasundo-sundo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Muling iginiit ng Pangulo ang kahalagahan ng pagsasama-sama para sa pag-unlad ng bansa.

Sa isang social media post, sinabi ng Pangulo na kaisa ito sa pag-alala sa mga nangyari sa nakaraan.

“I once again offer my hand of reconciliation to those with different political persuasions to come together as one in forging a better society — one that will pursue progress and peace and a better life for all Filipinos,” ani Pangulong Marcos.

Nagpadala rin ang Pangulo ng bulaklak sa People Power Monument sa EDSA, Quezon City.