Madrona

House Committee on Tourism aminado apektado int’l community sa bangayan ng PH, China sa WPS

Mar Rodriguez Apr 17, 2023
187 Views

AMINADO ang House Committee on Tourism na kahit papaano ay apektado ang “international community” lalo na ang mga dayuhang turista sa nangyayaring sigalot o dispute sa pagitan ng Pilipinas at China patungkol sa pinagtatalunan at kontrobersiyal na West Philippine Sea (WPS).

Sa panayam ng People’s Taliba, sinabi ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Committee on Tourism, na apektado rin umano ang international committee sa nangyayaring bangayan sa pagitan naman ng Estados Unidos (US) at Taiwan.

Ayon kay Madrona, ikinababahala aniya ng international community, partikular na ang mga dayuhang turista, ang umiinit na girian sa pagitan ng pamahalaang Pilipinas at China dahil malaon ng problema sa WPS. Bagama’t hindi uubra ang military equipment ng bansa sa China.

Gayunman, sinabi ni Madrona na bagama’t umiigting ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China. Subalit hindi pa naman ganoon kalala ang sitwasyon na dapat ikataranta ng international community at mga dayuhang turista. Sapagkat inaayos naman ang problema sa mahinang pamamamaraan.

“In a way yes nakaka-apekto sa international community. Pero hindi pa naman escalated ang situation kaya manageable pa naman. Ito naman talagang problemang ito eh dispute na noong araw pa. kaya ang ginagawa natin ay inaayos natin in a nicest way at hindi natin dinadaan sa marahas na paraan,” sabi ni Madrona.

Ipinaliwanag ni Madrona na hindi naman kailangan daanin sa isang mapusok at agresibong pamamaraan ang pasasa-ayos ng sigalot sa WPS. Sapagkat tiyak na lalo lamang nitong palulubhain ang sitwasyon at maaaring maka-apekto sa sector ng tourism para sa Pilipinas at China.

Kailangan daaanin natin through a diplomatic dialogue. Kasi hindi naman tayo puwedeng lumaban sa China. We have to admit it, we are not capable going to war with china,” ayon kay Madrona.

Sinabi din ng kongeresista na malabo aniyang tulungan ang Pilipinas ng Estados Unidos (US) sakaling sumiklab ang girian sa pagitan ng RP at China bagama’t nanuna ng inabi ng Amerika na tutulungan nila ang bansa sa oras na pumutok ang giyera sa pagitan ng dalawang bansa.

“Ang sabi nga nila na kapag nagka-giyera ay tutulungan tayo ng US. Pero sa tingin mo ba kapag binabakban na tayo ng China ay andiyan ang US? sinabi lang nila iyon pero I don’t think that will happen,” sabi pa ng mambabatas.