MIAA

Pagpapaganda ng proseso ng Immigration sa NAIA pinag-uusapan

138 Views

PINAG-UUSAPAN ng mga opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Bureau of Immigration (BI) ang pagpapabilis ng immigration procedure sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Napag-usapan din nina MIAA General Manager Cesar Chiong at Commissioner Norman Tansingco ang pagtatayo ng pasilidad ng BI sa mga terminal ng NAIA.

Ayon kay Chiong malapit ng magsimula ang pagtatayo ng immigration annex sa Terminal 3.

Ginamit din ni Chiong ang pagkakataon upang pasalamatan ang BI sa pagdaragdag ng mga tauhan nito noong Lenten break para mapabilis ang pagproseso ng immigration sa mga pasahero.

Binigyan naman ni Tansingco si Chiong ng plaque of appreciation dahil sa pagtulong ng MIAA sa pagpapa-deport sa apat na Japanese national noong Pebrero.