PSA

Beltran bagong PSA president

300 Views

NAHALAL si Philippine Star sports editor Nelson Beltran bilang bagong presidente ng Philippine Sportswriters Association (PSA) nung Abril 25.

Humalili si Beltran, na may higit tatlong dekada ng sportswriter, kay Tempo sports editor Rey Lachica bilang pangulo ng pinakamatandang media organization sa buong bansa.

Ang PSA election of officers ay ginanap matapos ang general assembly sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.

Ang iba pang mga bagong officers ay sina Francis Ochoa ng Philippine Daily Inquirer (vice president), Jasmine Payo ng Rappler (secretary), Gerry Ramos ng SPIN.ph (treasurer), at Abac Cordero ng Philippine Star (auditor).

Pamumunuan naman ni Lachica ang PSA Board, na kinabibilangan nina Jimmy Cantor (Malaya), Dodo Catacutan (SPIN.ph), Lorenzo Lomibao Jr. (Business Mirror), Riera Mallari (Manila Standard), Ed Andaya (People’s Tonight), Ramon Bonilla (Manila Bulletin), Beth Repizo (PSN), Ramil Cruz (Abante Tonite), Emil Noguera (Manila Times), Julius Manicad (Daily Tribune), at Ferdz Delos Santos (Abante).

Ang induction ng officers ay gaganapin sa unang PSA Forum matapos ang 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia.