Calendar
Mahigit 100k estudyante kukuha ng UPCAT
UMABOT sa 100,471 ang mga estudyante na naghain ng aplikasyon para kumuha ng UP College Admission Test (UPCAT).
Ito ang unang face-to-face examination na isasagawa ng University of the Philippines (UP) makalipas ang tatlong taon.
Sa UP Diliman ay nasa 40,000 umano ang aplikante kaya asahan na ang pagbigat ng daloy ng trapiko.
Isasagawa ang UPCAT mula Hunyo 3 hanggang 4.
Pinayuhan ni UP president Angelo Jimenez ang mga naghain ng aplikasyon na antabayanan ang email mula sa kanila para sa pagkuha ng mga testing permit.
Sinabi naman ni Jimenez na hindi gaya noong bago ang pandemya, walang testing center sa abroad ngayon.
Pagbabatayan ng pagpasok sa UP ang pagpasa sa UPCAT na 60 porsyento ng criteria at 40% naman ang manggagaling sa marka noong Grade 8, 9, at 10.