Marianito Augustin

Ibang klase talaga ang karisma ni Speaker Martin G. Romualdez

175 Views

TODO kayod ngayon ang Kamara de Representantes sa pagpasa ng mga mahahalagang panukalang batas partikular na ang “priority measures” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sapagkat apat na linggo na lamang ang natitira sa kalendaryo ng Kongreso.

Kaya nakipag-pulong ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez sa mga lider at kinatawan ng iba’t-ibang political parties sa Kongreso para manawagan at maki-usap sa kanila na suportahan ang pagpasa ng mga “common legislative agenda”.

Kung ihahalintulad sa basketball team ang ksalukuyang 19th Congress. Ang kailangan ni Speaker Romualdez ay ang “team work” ng kaniyang mga kapwa kongresista. Paano nila makakamit ang kanilang “objective” kung walang kooperasyon mula sa mga kongresista.

Sa isang banda, paano mo tatanggihan ang paki-usap at panawagan ng isang taong napaka-mahinahon, napaka-refine at intelihente. Nangangahulugan lamang ito na malakas ang “karisma” ni Speaker Romualdez kaya nakuha nito ang suporta at respeto ng kaniyang mga kasamahan sa Kamara de Representantes.

Naghahabol ng deadline ang liderato ng Kongreso kaya kailangan nilang magmadali sa pagoasa ng mga mahahalagang panukala. Sapagkat mayroon na lamang silang apat na lingo upang tapusin ang kanilang trabaho bago ang kanilang “Sine Die Adjournment” sa Hunyo.

Ibang klase talaga ang karisma ni Speaker Martin G. Romualdez

ISINUSULONG ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang modernisasyon ng Philippine Heart Center (PHC) dahil sa loob ng napaka-habang panahon na pages-serbisyo nito sa mga taong may sakit puso hindi pa ito nagkaroon ng upgrading.

Marahil ay nakikita ni Romero na sa kasalukuyang panahon kung saan ay nasa modern-age na tayo subalit nananatiling luma parin ang sistema sa loob ng PHC. Ang isa sa mga modernisasyon na kailangan gawin sa Heart Center ay ang upgrading ng mga facilities nito.

Sa nga lamang ang isinulong na House Bill No. 5858 ni Romero ay isa sa mga panukalang batas na maaprubahan ngayong 1st Regular Session ng Kamara de Representantes. Sapagkat sayang naman kung hindi ito mapapasama sa mga maaprubahang panukalang batas.

Gayong napaka-laki ng malasakit ni Romero para sa ating nga kababayang mahihirap partikular na sa mga ahensiya ng ating pamahalaan na masyado ng napag-iiwanan ng panahon katulad ng Heart Center at iba pang ahensiya na kailangan ng modernisasyon at upgrading.

Napansin ko na ang karamihan sa mga panukalang batas na isinulong ni Congressman Romero ay talagang hindi lamang basta panukalang batas. Kundi isang panukala na nagtataglay ng malasakit at pagmamahal para sa ating mga kababayang kapus-palad.

Deklarasyon ng WHO tungkol sa COVID-19 pandemic makakatulong ng malaki sa turismo ng Pilipinas

MATAPOS ideklara ng World Health Organization (WHO) na tinatanggal na nila “global health emergency” hinggil sa COVID-19 pandemic. Optimistiko si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, na magdudulot ito ng magandang epekto para sa ating turismo.

Para kay Congressman Madrona, ang naging deklarasyon ng WHO ay makakatulong ng malaki hindi lamang para sa personal na pamumuhay ng bawat mamamayan sa buong mundo. Kundi sa mga negosyong lubhang pininsala ng COVId-19 pandemic.

Kabilang dito ang sector ng turismo sa Pilipinas. Kung saan, ang Philippine tourism ang isa sa mga “casualties” ng pandemiya. Dahil napakaraming resort, hotels at iba pang tourist destination sa bansa ang nagsara dahil sa ipinatupad na lockdown.

Mabuti na lamang at masipag ang inilagay na Chairman ng House Committee on Tourism sa katauhan ni Congressman Madrona kaya sa kabila ng naging malaking epekto ng pandemiya sa ating turismo ay tiyak na makakabawi dahil sa sipag ni Madrona.