Calendar
PBBM inilabas EO para pangasiwaan Malacañang Heritage Mansions
ISANG Executive Order (EO) ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng pangangasiwa sa Malacañang Heritage Mansions.
Ang EO No. 26 na may titulong “Promoting Filipino History and Culture Through the Efficient Management of Malacañang Heritage Mansions, and Creating an Advisory Board and Management Center for the Purpose” ay inilabas noong Biyernes.
Layunin ng EO na isulong at pangalagaan ang kasaysayan at cultural heritage site sa pamamagitan ng maayos na pangangasiwa sa Malacañang Heritage Mansions.
“An Advisory Board for the efficient management of the Malacañang Heritage Mansions (Advisory Board) is hereby created,” sabi ng EO.
Ayon sa EO, ang Advisory Board ay bubuohin ng tatlong kinatawan mula sa Office of the President (OP) at tatlong kinatawan mula sa pribadong sektor na pipiliin ng Pangulo.
Ang Advisory Board ang gagawa ng polisiya at maglalatag ng mga proyekto at programa para sa Malacañang Heritage Mansions alinsunod sa mga batas.
“For this purpose, the Malacañang Heritage Mansions shall include the Kalayaan Museum, and such other properties as may be identified by the Advisory Board,” sabi pa sa EO.
“The supervision of the Kalayaan Museum is hereby transferred from the Office of the Deputy Executive Secretary for General Administration to the Social Secretary’s Office (SoSec),” sabi pa rito.
Itinatayo rin ng EO ang Malacañang Heritage Mansions Management Center (MHMMC) na magbibigay ng technical at administrative support sa Advisory Board.
Ang MHMMC ay pamumunuan ng isang Executive Director na siyang mangangasiwa sa operasyon at pagpapanatili ng mga ari-ariang saklaw nito.
Ayon sa EO ang Malacañang Heritage Mansions ay maaaring buksan sa publiko para pagdausan ng mga special events, programa at pansamantalang exhibition, upang makakolekta ng pondo.
Ang malilikom na bayad ay gagamitin sa operasyon nito alinsunod sa mga budgeting, accounting at auditing rules.