PAGASA

Posibleng super typhoon papalapit sa Pinas

117 Views

BINABANTAYAN ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang bagyo na posible umanong pumasok sa bansa at maging isang supertyphoon.

Ang bagyo ay nasa Pacific Ocean at inaasahan na lalo pang lalakas habang lumalapit sa Philippine Area of Responsibility. Maaari umano itong pumasok sa PAR bago matapos ang linggo.

Kung hindi umano magbabago ng direksyon maaari umano na tumbukin ng bagyo ang hilagang bahagi ng Luzon.

Ang malalakas na bagyo ay isa sa mga epekto ng El Niño phenomenon na nararanasan ngayon sa bansa, ayon sa PAGASA.