Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Tingog party-list ipinagdiwang Mother’s Day sa pamamagitan ng gift-giving event

450 Views

BILANG pagdiriwang ng Mother’s Day, isang gift giving event ang isinagawa ng Tingog party-list na pinangungunahan ni Rep. Yedda Marie K. Romualdez bilang pagkilala sa kahalagahan ng papel ng mga ina sa lipunan.

Nakatuwang ng Tingog sa event ang Barangay Southside Makati at Philippine Qipao Cultural Charity sa patnubay ng Congressional Staff member na si Jessica Medina.

Umabot sa 150 ina ang nabigyan ng regalo sa naturang event.

Pinangunahan ng sponsor ng event na si Ms. Winny Chang, founder ng Qipao, ang pamimigay ng regalo sa tulong sina Ms. Jewell Gomez at Shirley Go.

Ang bawat regalo ay mayroong lamang vitamins, powdered milk, toiletries, iba’t ibang Chinese delicacies at bulaklak.

Nagpasalamat ang mga opisyal ng barangay sa Tingog party-list at Philippine Qipao Cultural Charity sa pagtulong sa kanilang mga residente.

Layunin ng event na maipakita sa mga ina ang halaga na kanilang ginagampanan sa lipunan.