Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Sex scandal ‘WHISTLEBLOWER’ tinanggal ni Pastor

1125 Views

SINIBAK ni pastor mula sa isang kilalang religious organization ang tinaguriang sex scandal “whistleblower” na konektado sa umano’y pag-aalay ng mga bata at magagandang kababaihan sa kanilang pananampalataya.

Mabilis na iniutos ng pamunuan ng simbahan na alisin ang whistleblower dahil sa pagtalikod sa simbahan at pagkontra sa matagal nang nakaugaliang tradisyon.
Sinabi ng mapagkakatiwalaang source na nagsisilbing malaking banta ngayon sa organisasyon ang whistleblower lalo’t nais nitong ibunyag ang hindi magagandang nangyayari sa kanilang simbahan.

“Ipinasibak na ng lider ng simbahan ang whistleblower dahil nagsisilbi ito ngayong malaking banta sa kanilang samahan,” anang source. Nabatid sa source na isa sa pinagkakatiwalaan ng pamunuan ng simbahan ang whistleblower kaya marami itong nalalaman sa pagpapatakbo roon.

“Insider talaga ang whistleblower at siguradong malaking iskandalo ang sasabog sakaling magsalita na ito,” anang source. Nadismaya kasi ito sa ritwal ng nakasanayang pag-aalay ng magagandang batang mga babae sa nakalipas na panahon.

Sinabi ng source na walang magawa ang mga magulang ng mga batang iniaalay para makapiling ng religious leader ang kanilang anak dahil ito umano ang kalooban ng kanilang pananampalataya.

Ayon sa impormante, ginagamit na pain ang pagpasok sa kaharian ng langit kapalit ng pag-aalay sa mga kababaihan. Nabatid sa source na marami na ring pumapalag sa hindi magandang gawain ng pag-aalay ng kababaihan.