Calendar
PCFI kinilala mahusay na pamamahala ni Speaker Romualdez
KINILALA ng Party-list Coalition Foundation Inc. ang mahusay na pamamahala ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Ayon sa pangulo ng PCFI na si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, chairperson ng House Committee on Appropriations malaki ang nagawa ni Speaker Romualdez sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga Pilipino.
Ang PCFI ay binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang party-list group.
“We commend Speaker Romualdez’s exceptional vision and unwavering dedication to achieving balance and fairness in the work we do. Under his leadership, the House has successfully tackled critical challenges and advanced initiatives that have strengthened our economy and safeguarded the rights and freedoms of all Filipinos. We firmly support his leadership and look forward to working together to address the urgent needs of our nation,” ani Co.
Muling idineklara ng PCFI ang kanilang suporta kay Speaker Romualdez na patas umano ang naging pagtrato sa kanila.
Handa umano ang PCFI na makipagtulungan kay Speaker Romualdez upang matugunan ang mga isyu na kinakaharap ng bansa at makakuha ng resulta na pakikinabangan ng kanilang mga constituent.