Calendar
Speaker Romualdez pinuri Pier 88 ng Liloan
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbubukas ng Pier 88 sa Liloan, Cebu kasabay ng muling pagpapahayag nito ng suporta sa Build Better More infrastructure program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Si Speaker Romualdez ay isa sa mga matataas na opisyal ng gobyerno na kasama ng Pangulo sa pagdalo sa pagbubukas ng Pier 88.
“The significance of this project cannot be overstated, as it will create countless opportunities for businesses, create job opportunities, and contribute to the overall development of our community,” sabi ni Speaker Romualdez.
Kinilala ni Speaker Romualdez ang lokal na pamahalaan ng Liloan, pribadong sektor, at mga residente ng bayan na nagtulong-tulong upang matupad ang proyekto.
“This project would not have been possible without the collaboration and support of our government partners, private investors, and, most importantly, the resilience and unwavering support of the people of Liloan,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Ang Pier 88 project ay resulta ng pagsasama-sama ng munisipyo ng Liloan, Topline Group of Companies at Pier 88 Ventures.
“The House of Representatives remains firm in our support for the Build Better More infrastructure program of the Marcos administration that would uplift the lives of our people by enhancing the quality of critical infrastructure in our transport sector, digital connectivity, power and energy, and health-related initiatives,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Kamakailan ay inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8078 o ang panukalang 30-Year National Infrastructure Program Act na naglalatag ng malalaking proyekto na gagawin ng gobyerno mula ngayong taon hanggang 2052.
Layunin ng panukala na matiyak na mapopondohan ang mga imprastraktura na magsisilbing backbone ng pag-unlad ng bansa at pagpapaganda ng serbisyo ng gobyerno sa publiko.
Ang HB 8087 ay isa sa mga panukala na prayoridad na maipasa ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC). Sa 42 panukalang prayoridad ng LEDAC 31 na ang natapos ang Kamara.